Trust-issue ang nakikitang problema ng isang konsehal sa lungsod ng Naga patungkol sa Maharlika Wealth Fund.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng medya ni Naga City Councilor Buddy Del Castillo, sinabi nito na kung magnanakaw ang Presidente, wala ditong magtitiwala na mag-invest.
Dagdag pa nito, wala umanong kasiguraduhan na mayroong kita na makukuha dito.
Sinabi pa ng opisyal na kahit umano mayroong investible fund, walang mag-iinvest dahil sa pangamba na baka mawala ang kanilang pera lalo pa at mababa ang proposed na penalidad.
Para umanong kalokohan na sa multi-billion peso na pondo, ang penalty ay aabot lang sa P2-M at dalawang taon na pagkakakulong kung lalabag sa nasabing probisyon.
Ngunit maniniwala umano ang konsehal sa nasaming panukala kung gagawin na Reclusion Perpetua ang kaparusahan, idagdag pa ang pagbalik sa mga ninakaw na pera at mga personal na pagmamay-ari.
Maalala kasi na mayroon ng kasaysayan ang Marcos administration ng pagnanakaw sa pamahalaan na alam ng buong mundo.