NAGA CITY- Nakatakdang magpadala ng tulong sa susunod na linggo ang Ako Bikol Partylist sa Calabarzon area na apektado ng pag-alburuto ng
Bulkang Taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo ‘Pido’ Garbin, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na sila sa sa ngayon sa DSWD-

Calabarzon para malaman ang datos ng mga evacuees at ang tulong na pwedeng iabot.

Ayon kay Garbin, nakatakda silang pumunta sa Batangas at Cavite para sa relief operation katuwang ang iba pang grupo.

Sa clearing operation naman, pwede aniyang magpadala ng mga heavy equipment para makatulong sa paglilinis sa mga apektadong lugar.