NAGA CITY- Apektado na umano ngayon ang turismo at negosyo sa bansang South Korea.
Ito’y kaugnay pa rin ng nagpapatuloy na banta ng Novel Coronavirus sa nasabing lugar.
Sa report ni Bombo International Correspondent Sylvia Espinosa, sinabi nitong sa ngayon makikita ang labis na pagbaba ng numero ng mga turista maging ang paunti-unting epekto sa negosyo sa lugar.
Ayon kay Espinosa, noon halos mapuno ang ilang mga pasyalan doon lalo na sa Seoul, subalit ngayon dahil sa nCoV scare makikita ang malaking pagbabago.
Aniya, kahit sila na mga Overseas Filipino Workers, ay hindi rin lumalabas maliban na lamang kung talagang kinakailagan.
Si Espinosa ang isa sa mga apektadong empleyado ng Hyudai na pansamantalang nagsuspende ng operasyon ng ilang araw matapos magshutdown ang supplier ng mga spare parts nito sa China dahil sa naturang sakit.