NAGA CITY – Patay ang isang turistang lalaki matapos malunod sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na isang 29-anyos, residente ng bayan ng Tinambac sa nasabing lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Maria Victoria Regonaos, Deputy Chief of Police ng Pasacao Municipal Police Station, sinabi nito na nakita na lamang ng kaniyang mga kasama ang biktima na nakadapa sa tubig at pinaniniwalaang nalunod.
Dagdag pa ng opisyal, agad naman sanang dinala sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal ngunit idineklara rin itong dead-on arrival ng mga doktor.
Samantala, napag-alaman pa ng mga kapulisan na nasa ilalaim ng impluwensiya ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon, muli na lamang nagpaalala ang opisyal sa publiko lalo na ngayong Semana Santa na iwasang maligo sa mga kadagatan o mga swimming pool habang nasa impluwensiya ng alak.