NAGA CITY- Umatras na sa kaniyang kandidatura sa pagka-kongresista ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur si Comediane at TV Host na si Anjo Yllana.
Nabatid na papalit kay Yllana si Tony Chavez na dating nanungkulang alkalde sa bayan ng San Jose sa nasabing lalawigan.
Ito’y matapos maghain na rin ng kaniyang kandidatura si Chavez bago mag-alas-5 ng hapon kahapon.
Kaugnay nito, anim na taong nanilbihan si Chavez bilang alkalde sa nasabing bayan.
Makakatunggali pa rin ni Chavez ang incumbent Congressman na si Arnie Fuentebella sa darating na halalan.
Samantala, nabatid naman na muling tatakbo bilang Gobernador ng lalawigan si dating Budget Secretary at Congressman Rolando ‘Nonoy’ Andaya.