Photo © web

Ipinahayag ni US President Donald Trump ang kaniyang pagkadismaya sa United Kingdom matapos tumangging magpadala ng tulong militar sa Gitnang Silangan para suportahan ang giyera kontra Iran.

Tinukoy ni Trump ang personal na pagpupulong kay British Prime Minister Keir Starmer, kung saan malinaw na hindi makikilahok ang UK sa pagpapadala ng kagamitang militar. Ipinagmalaki rin niya na matagal nang mahigpit na kaalyado ng US ang UK, lalo’t maraming kontribusyon ang Amerika sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Inamin ni Trump na hindi niya alam kung buhay pa o patay ang supreme leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei, dahil hindi pa ito nagpapakita mula nang mahalal siya sa puwesto. Binanggit din niya na nasira na sa 90 porsyento ang pwersa ng US at Israel dahil sa patuloy na pag-atake, ngunit naniniwala siyang hindi gagamit ng nuclear weapons ang Israel laban sa Iran.

Advertisement