NAGA CITY – Nakatakdang magbukas ng embahada ang Ukraine sa Manila ngayong taon.
Ito ang kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa pakikipag-usap nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaninang umaga, Hunyo 3, 2024.
Ayon pa kay Zelenskyy, na sa ngayon tanging sa Malaysia lamang mayroong embahada ang Ukraine sa Asya.
Magsisilbi aniya itong senyales at isang hakbang tungo sa kapayapaan.
Bukas rin jay Zelenskyy ang nauna nang posisyon ni Pangulong Marcos sa pag-okupa ng Russia sa kanilang mga teritoryo.
Nagpasalamat pa ang Ukraine President kay PBBM sa suporta nito at donasyon ng Pilipinas sa Ukraine habang patuloy na nahaharap sa epekto ng kaguluhan ang kanilang bansa.