Photo © web

Sinimulan na ng Ukraine ang pagpapadala ng kanilang mga drone experts sa ilang bansa sa Gitnang Silangan upang tugunan ang banta ng mga Shahed drones na ginagamit sa rehiyon.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, mayroong limang bansa sa Gitnang Silangan ang humiling ng tulong ng Ukraine. Bukod dito, humihiling din ang United States at mga bansa sa Europe ng dagdag na suporta.

Pinag-aaralan ng Ukraine kung kaya nilang maibalik ang seguridad sa Strait of Hormuz, kung saan tinatarget ng Iran ang mga dumadaan na barko.

Ayon kay Zelenskyy, nangunguna ang Ukraine sa buong mundo sa paggawa ng cutting-edge at battle-tested na drone interceptors na mura at epektibo. Ang teknolohiyang ito ang ginamit nila sa pagtugon sa agresyon ng Russia sa loob ng mahigit apat na taon.

Advertisement

Dagdag pa niya, pinag-aralan nila ang bawat galaw ng Shahed drones na pinagmamalaki ng Iran upang mapabuti ang kanilang depensa.

Advertisement