NAGA CITY – Pinabulaanan ng isang editor Guild ang tungkol sa umanoy fake news ang ginawang survey ng opisyal na campus journalist’s ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) na The SPARK.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Reinnard Balonzo, Chairperson ng College Editors Guild of the Philippines-Bicol, sinabi nito na nagpalabas ng survey form ang The SPARK o ang Official Student-Community Publication ng nasabing paaralan noong Disyembre 1-7, 2024. Ngunit nitong nakaraang araw lamang ipinalabas dahil sa iba’t ibang aktibidad na mayroon ang mga mag-aaral.
Ngunit nilinaw ni Balonzo na mayroong schedule plan ng kanilang content. Sa naturang survey, nanguna ang kalaban ni Congressman at ngayon ay tatakbong muli na Gobernador ng Camarines Sur na si Rep. Lray Villafuerte na si Bong Rodriguez ng 43.0% ng boto mula sa 498 na respondents, habang nakakuha naman ito ng 30.1%.
Maalala, kinuwestyon ni Villafuerte ang resulta ng survey na naging dahilan ng isyu.
Kaugnay nito, madiing pinabulaanan ng wala umanong binago ang campus journalists sa resulta ng survey at valid naman ang research method na kanilang ginamit gayundin ang pagsunod nito sa ethic.
Nakikitang dahilan ni Balonzo kung bakit tinawag na fake news ni Cong. Villafuerte ang survey dahil hindi umano nito gusto ang nagin resulta nito.
Ito naman ang nagpapakita ng direkta at klarong pag-atake sa karapatan ng mga mamamahayag na mag-aaral na hindi dapat ginagawa ng isang public servant.
Dahil sa ginamit na termino ng Kongresista laban sa resulta ng mock election, Ilang student publications mula sa mga state universities at pribadong paaralan sa Naga, Camarines Sur, at Bicol Region ang naglabas ng kani-kanilang pahayag bilang suporta nasabing publication.
Hanggang sa ngayon ay mainit ang usaping ito sa ibat ibang paaralan sa rehiyong bikol habang patuloy naman ang palitan ng opinyon sa lalawigan ng Camarines Sur.