NAGA CITY – Nagin mapayapa ang unang araw ng COC Filing sa bayan ng Goa-Camarines Sur nitong Oktubre 1, 2024.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dionisio Miguel, Comelec Election Officer ng Goa CamSur, sinabi nito na mayroong naka-assign na dalawang tauhan mula sa PNP na nasa labas ng bisinidad ng munisipyo.
Ang nasabing kautusan ay mula sa Provincial Government kung saan bawat opisina ng Commission on Elections ay dapat may nakabantay na awtoridad.
Kaugnay nito, hindi naman umano dinagsa ang kanilang tanggapan ng mga aspirante sa unang araw ng filling.
Samantala, sabay-sabay na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang mag-amang Villafuerte sa COMELEC Camarines Sur kasabay nang pagsisimula ng filing of candidacy kahapon.
Magbabalik naman bilang governor ng Camarines Sur si 2nd District Rep. Lray Villafuerte.
Tatakbo naman ng Congressman sa ikalawang distrito si Governor Luigi Villafuerte habang tatakbo naman sa ikalawang termino bilang 5th District Representative si Incumbent Congressman Migz Villafuerte.
Kasama din ni Governor Luigi Villafuerte ang kanyang girlfriend na si Yassi Pressman sa paghahain Ng kanyang COC.
Maliban pa dito, kabilang rin sa nag file ng COC ang Aktor na si Marco Gumabao bilang congressman ng 4th district Ng Camsur na inaasahan na rin ng mga resident dahil maraming pagkakataon na rin itong kasa-kasama ng mga Villafuerte.
Sa kabilang banda, muli naman hinimok ng opisyal ang mga aspirante na agahan na mag-file ng kanilang COC upang ma check rin ng maaga ang kanilang mga dokumento.