Iniulat ng World Health Organization (WHO) ang pinakaunang laboratory-confirmed human case ng influenza A(H5N2) virus o bird flu sa bansang Mexico
Ang indibidwal na tinamaan ng nasabing sakit ay isang 59-anyos na lalaki sa Mexico. Namatay ang biktima noong April 24, 2024, matapos ma-admit sa ospital noong April 23.
Nakitaan ito ng lagnat, hirap sa paghinga, diarrhea at nausea; at may record din ng chronic kidney disease, type 2 diabetes, at systemic arterial hypertension.
Matapos ang mahabang laboratory test, iniulat ng Mexico sa United Nations ang pagkakumpirma sa laboratory-confirmed human case ng bird flu.
Samantala, binigyang-diin ng WHO na walang banta ng malawakang pagkalat ang nasabing sakit.