NAGA CITY– Kinumpirma ngayon ng lokal na pamahalaan lugsod ng Naga na nakapagtala na kauna-unahang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lungsod.
Sa naging pagharap ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga kagawad ng media, kinumpirma nito ang dalawang positibong kaso ng naturang sakit sa mga baramgay ng Cararayan at Pacol.
Ayon kay Legacion, magkatuwang ang LGU Naga at Department of Agriculture (DA) sa pagpapatupad ng total lockdown at biosecurity measures upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Samantala, ayon kay Legacion nakatakdang isailalim sa culling operations ang mga baboy na nasa loob ng 1km radius mamayang gabi.
Kung maaalala, una ng kinumpirma ni Dr. Junius Elad, City Veterinarian ng Naga City na dalawang baboy ang unang namatay sa nasabing mga lugar.