Ipinagmalaki ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naging operasyon ng Unified 911 emergency hotline matapos makapagtala ng kabuuang 96,447 na tawag mula nang ilunsad ito 10 buwan na ang nakalilipas.

Batay sa datos ng DILG, naitala ng hotline ang 96.64 porsiyentong efficiency rate sa panahon ng Enero 1 hanggang Oktubre 30.

Kabilang sa mga natanggap na tawag ang mga nangangailangan ng tulong mula sa pulisya, insidente ng sunog, mga emergency medical concern, search and rescue operations, gayundin ang mga kasong may kinalaman sa kababaihan at mga bata.

Inilunsad ang Unified 911 noong Setyembre 2025 bilang kauna-unahang iisang emergency hotline na nagbibigay ng police, fire, medical at rescue assistance.

Advertisement

Ayon pa sa DILG, inaasahang makararating ang mga awtoridad sa lugar ng insidente sa loob lamang ng limang minuto upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga nangangailangan ng tulong.

Advertisement