NAGA CITY- Nakumpiska ng mga otoridad ang hindi bababa sa walong calibre ng hindi liscensyadong mga baril, pampasabog at mga bala sa Brgy. Mayhay, Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang suspect na si Rommel Ayala alias Omeng, 44-anyos isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napagalaman na habang ipinapatupad ang search warrant sa kasong Violations of RA 9516 at RA 10591 kay Ayala.

Nakumpiska rito ang aabot sa 60 pirasong mga bala ng iba’t ibang klase ng baril, 1 Armscor 12 gauge shotgun;4 na improvised caliber.22 rifles; 1 homemade shotgun (sumpak); 2 caliber .45 pistols; isang granada at mga magazines.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspect habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.