Bumagsak ang isang KC-135 Stratotanker refueling aircraft ng US Air Force sa kanlurang bahagi ng Iraq nitong Huwebes, ayon sa kumpirmasyon ng militar ng US, at nilinaw na hindi ito sanhi ng hostile o friendly fire.
Walang detalye sa bilang ng nasawi o nasugatan ang ibinigay sa ngayon. Ayon sa isang US official, lima ang nasa loob ng tanker habang ang pangalawang KC-135 na kasali sa operasyon ay ligtas na nakalapag.
Ayon sa US Central Command, nangyari ang insidente sa friendly airspace sa ilalim ng Operation Epic Fury, na bahagi ng operasyon ng Pentagon laban sa Iran, at patuloy ang rescue efforts.
Samantala, dalawang aircraft ang kasangkot sa insidente, isa ang bumagsak sa western Iraq, at ang pangalawa ay ligtas na nakalapag.
Karaniwan, ang flight crew ng KC-135 ay binubuo ng pilot, copilot, at boom operator na responsable sa mid-air refueling ng ibang aircraft. Sa ilang misyon, kasama rin ang navigator.
Sinabi ng militar na magbibigay pa sila ng karagdagang impormasyon habang umuunlad ang sitwasyon, at humihiling ng pasensya mula sa publiko habang nililinaw ang detalye para sa pamilya ng mga service members.
Ang insidente ay naganap isang linggo lamang matapos na aksidenteng ma-shoot down ang tatlong F-15E Strike Eagle fighter jets sa Kuwait sa isang friendly fire incident, ngunit lahat ng anim na crew members ay ligtas na na-eject.








