Inihayag ni Pangulong Donald Trump na posibleng wakasan ng Estados Unidos ang kanilang operasyon militar sa Iran sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, at hindi kinakailangang makipagkasundo ang Tehran bilang kondisyon para matapos ang labanan.

Sa isang pahayag sa White House noong Martes, sinabi ni Trump, “We’ll be leaving very soon… within two weeks, maybe two weeks, maybe three.” Nilinaw niya rin na hindi requirement ang matagumpay na diplomasiya para wakasan ang “Operation Epic Fury.”

Habang nagpapatuloy ang labanan sa ikalimang linggo nito, ipinapakita ng mga pahayag mula sa Washington ang pabago-bagong posisyon tungkol sa posibleng katapusan ng giyera. Sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth na handa si Trump na makipagkasundo sa Iran, subalit may mga opsyon pa rin ang US kung hindi susunod ang Tehran.

Samantala, nagbabala ang Iranian Revolutionary Guards laban sa 18 kumpanya mula sa US tulad ng Microsoft, Google, Apple, Intel, IBM, Tesla, at Boeing simula Miyerkules. Sinabi ni Trump na hindi siya nag-aalala sa banta: “They don’t have much left to threaten.”

Advertisement

Patuloy rin ang tensyon sa rehiyon, kasama ang mga pag-atake sa Beirut na kinasasangkutan ng Israel at ng grupong Hezbollah. Sa kabila ng malawakang pananalakay, nananatiling matatag ang Iran at patuloy na nakikipagpalitan ang mga bansa sa rehiyon para sa posibleng tigil-putukan.

Advertisement