NAGA CITY- Itinuturing na 112.5% accomplished ng Bicol Medical Center sa lungsod ng Naga ang isinagawang vaccination rollout.

Ito’y matapos umabot na sa 90 ang mga empleyado na nabakunahan ng Sinovac vaccine kumapara sa target lamang nitong 80 ngayong araw.

Sa naturang bilang, 63 ang mga nabakunahang doktor, 11 ang mga nurse at 16 naman na medical ancillary.

Unang nagpaturok ng nasabing bakuna si Provincial Officer Dr. Rey Millena ng Department of Health Camarines Sur para palakasin ang kumpyansa ng publiko.

Samantala, magtatagal ang vaccination rollout sa BMC ng limang araw gamit ang 302 vials na inilaan dito.

Kung maaalala, kahapon dumating sa Bicol Region ang nasa 12,000 doses ng nasabing mga bakuna.