VAWC Orientation isinagawa sa Barangay Manapao, Minalabac, Camarines Sur
CAMSUR – Isinagawa ngayong araw Hulyo 15, 2025 ang isang mahalagang talakayan ukol sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa Barangay Covered Court ng Manapao.
Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga residente sa iba’t ibang uri ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan, at kung paano ito maiiwasan at mareresolba.
Samanatala, pinangunahan ni PCPL Claren Magcayan, Asst. WCPD sa pamumuno ni PCPT Beverly Monte, OIC ng PNP Minalabac ang naturang aktibidad.
Kung saan, buong puso nitong ibinahagi ang kaalaman hinggil sa karapatan ng mga kababaibahan at mga kabataan.
Sinagot rin nito ang mga tanong ng komunidad na aktibo namang nakiisa at nakinig sa naturang talakayan
Sa kabilang banda, ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Barangay Council ng Manapao, sa pangunguna nina Hon. Francisco Peña Jr. at Hon. Lerma J. Nocnoc.