NAGA CITY- Patay ang isang vendor matapos na mabangga ng isang kotse sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Mila Pineda De Gala, 54-anyos, residente ng Brgy Matandang Sabang Silangan, sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid ang biktima sa may parte ng National Road, Brgy Matandang Sabang Silangan ng mabangga ito ng isang kotse na pinagmamaneho rin ng suspek na si Mark Kaven Rosas Rogel, 34-anyos, residente ng Brgy. 2-Poblacion, Mulanay, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga otoridad, napag-alaman pa dahil sa insidente ay nagtamo ng malalang sugat ang ulo ng biktima na agad naman sanang dinala sa ospital para asistensiya medikal ngunit ideniklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon ay nasa kostodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.