Naga City – Handang handa na ang gagamiting venue para sa Miss Earth Flora 2019 sa lungsod ng Naga.

Mangyayari ang prestihiyusong aktibidad sa Jesse M. Robredo Coliseum sa darating na Octobre 22, 2019 alas 7:00 ng gabi.

Kasama sa mga nirenovate ang pasilidad na gagamiting ng mga kandita gaya ng mga dressing rooms.

Ang nasabing venue ay kayang ma-accomodate ang lahat ng kantidata kabilang na ang mahigit sa 10,000 mga taga suporta.

Kasama sa mga segment na gagawin sa lungsod ang resorts wear parade , talent competition at evening gown competition.

Inaasahan rin ang pagdating ng aktor na si Tony Labrusca para sa kanyang special performance sa araw ng mismong event.