NAGA CITY- Paunti-unti na umanong bumabalik sa normal ang sitwasyon sa bansang Vietnam matapos ang epektong dala ng coronavirus diesease (COVID-19).
Sa report ni Bombo International Correspondent Rosa Dimaandal, isang guro sa nasabing lugar, sinabi nito na inaasahang magbubukas ang mga paaralan dito sa Mayo 4.
Ayon kay Dimaandal, hindi naman nahirapan sa pagpapatupad ng mga polisiya ang mga otoridad dito dahil sa pagiging disiplinado ng mga tao.
Kung saan kahit isa pa lamang ang confirmed case sa lugar noong mga naunang buwan, agad na nagaptupad ng lockdown sa lugar upang masiguro ang social distancing at upang hindi na lumobo pa ang kaso.
Samantala, aminado naman si Dimaandal na marami ang naapektohan ng lockdown dahil sa pinapatupad na ‘No work, No pay’ policy lalo na sa mga pribadong paaralan.
Sa huling report, merong 270 confirmed cases ang naturang bansa habang nanatiling zero casualty.