NAGA CITY- Naging matapang ang mga binitiwang pahayag ni Vice President Leni Robredo sa pagharap nito sa mga kagawad ng media matapos sibakin ni Pangulomg Rodrigo Duterte bilang Co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).
Tahasang sinabi ng opisyal na hindi siya kilala ng administrasyon at matapang nitong sinabi na nagsisimula pa lamang siya sa totoong kampanya laban sa iligal na droga.
Ayon kay Robredo, mula ng tanggapin niya ang posisyon, hindi siya nagpabaya at sunod-sunod ang ginawa niyang pakikipagpulong sa iba’t ibang sektor na may hurisdiksyon sa paglaban sa iligal na droga.
Sa kabila ng pagsipak sa pwesto, determinado parin ang Bise Presidente na tumulong sa paglaban at pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa.