NAGA CITY – “Proteksyunan ang institusyon” iyan ang iginiit ni Bise Presidente Leni Robredo sa bagong Chief Justice maging sa kabuoan ng hudikatura.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Robredo, sinabi nitong bilang pillar ng hudikatura nawa aniya masiguro ng bagong uupong punong mahistrado ang pangangalaga sa karapatan ng bawat tao.

Vice President Leni Robredo

Umaasa rin ang Bise Presidente na magagampanan nito ang kanilang obligasyon na proteksyunan ang mga mamamayang Pilipino.

Maaalala na kahapon ng tuluyan ng magretiro sa kanyang posisyon si Chief Justice Lucas Bersamin bilang punong mahistrado.