NAGA CITY- Asahan umano ang posibleng pag uwi sa Bicol Region ni Vice President Leni Robredo upang mag paabot ng kanyang pasasalamat matapos ang tagumpay laban sa electoral protest ng natalong si former Sen. Bongbong Marcos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Former Councilor Jun Lavadia, sinabi nito na anomang araw ngayong linggo ay posibleng umuwi sa lungsod ng Naga ang Bise Presidente.
Ayon kay Lavadia, masaya umano ito sa naging resulta ng nasabing bilangan at maasahan rin naman ang mas magandang serbisyu ng groupo ng Bise Presidente ngayon na ganap ng nakamit nito ang tagumpay.
Ayon kay Lavadia, ang nasabing tagumpay ay hindi lamang para sa mga kababayang Nagueño nito kundi pati narin sa mga supporters ng bise presidente na Bicolano at maging narin sa buong Pilipinas.
Dagdag pa nito, hindi umano maikakaila ang nasabing pagkapanalo nito dahil narin sa halos 15,000 na dagdag na bilang ng boto mula narin sa tatlong probinsya na mismong hiniling ni Marcos, kung saan kasama dito ang probinsya ng Camarines Sur na hometown ng bise presidente.
Sa ngayon, panawagan naman aniya ng mga supporters ng Bise Presidente sa mga kritiko na tapos na umano ang laban at tanggapin nalamang ang naging desisyon at pagkatalo.