NAGA CITY- Mas umugong pa ngayon ang usap-usap sa posibilidad na tumakbo sa pagka-gobernador si Vice President Leni Robredo sa lalawigan ng Camarines Sur.
Ito’y may kaugnayan sa mga naglabasang mga espekulasyon matapos mapabalitang lumipat na ng residensiya ang bise presidente sa Barangay Carangcang, Magarao sa nasabing lalawigan.
Kaugnay nito, sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Carangcang Barangay Captain Nenita Aspe, kinumpirma nito na pansamantalang umuupa ngayon ang bise presidente sa kanilang lugar habang nagpapatayo ito ng kaniyang sariling bahay.
Ayon ky Aspe, buwan pa ng Marso ng lumipat ang bise-presidente kung saan dito narin tumutuloy ang mga staff nito.
Ayon dito, marami na umano ang nagawang livelihood programs ang bise presidente hindi lamang sa kanilang barangay ngunit pati narin sa bayan ng Magarao.
Kaugnayn nito, naniniwala naman ang nasabing opisyal na magdadala ng pag-unlad sa kanilang bayan si Robredo kung sakali mang matuloy ang pagtakbo nito bilang gobernador sa nasabing lalawigan.