Nagsampa si Vice President Sara Duterte ng perjury complaint laban kay Ramil Madriaga, ang umano’y dating aide na nag-claim na ang kampanya ni Duterte ay sinuportahan ng drug dealers at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay Duterte, layunin ng kaso na panagutin si Madriaga sa kanyang mga “kasinungalingan” at pigilan ang paggamit ng imbentong kwento na maaaring linlangin ang publiko. “Dahil dito, ngayong araw ay naghain ako ng kasong perjury laban kay Ramil Madriaga upang tuluyang mapanagot siya sa kanyang mga kasinungalingan,” ani ng bise presidente.

Isinumite ni Duterte ang reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office, kasama ang kanyang legal counsel na si Paolo Panelo Jr. Matatandaang noong Disyembre 2025, iginiit ni Madriaga na ang Inday Sara Duterte is My President (ISIP) Pilipinas campaign at iba pang kaugnay na grupo ay pinondohan umano ng drug syndicates at POGO operations. Kasama rin ang alegasyon sa impeachment complaint laban sa bise presidente.

Iginiit ni Duterte na wala siyang personal na relasyon kay Madriaga at pinaniniwalaan niyang ang testigo ay nagtatrabaho upang sirain ang posibleng plano niyang tumakbo sa pagka-presidente.

Advertisement

Ang pagsampa ng perjury complaint ay nagdulot ng agarang kontrobersiya at patuloy na pagtutok ng publiko sa mga alegasyon at tugon ng bise presidente.

Advertisement