Nilinaw ng Malakanyang na sa ngayon ay walang balasahan o pagbabago sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng panawagan ng grupong MANIBELA na pagbitiwin sa puwesto si DOE Secretary Sharon Garin.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa lahat ng pinuno ng mga departamento. “Hindi pa po naipapaabot sa atin kung mayroon sa ngayon,” aniya.

Humingi ng pagbibitiw ang MANIBELA dahil sa nakaraang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at umano’y pagpanig ng Kalihim sa malalaking kompanya ng langis kumpara sa mga tsuper at mamamayan.

Samantala, nanatiling tikom ang bibig ni Garin sa panawagan, at ayon kay Castro, ginagawa lamang ng Kalihim ang kanyang tungkulin sa departamento.

Advertisement
Advertisement