Nasawi ang walong sundalo ng Peru matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa bayan ng Sanabamba.

Ayon sa ulat, magsasagawa sana ang grupo ng operasyon upang ilikas ang isang army patrol sa lugar ng Apurimac, Ene, at Mantaro rivers nang mangyari ang aksidente.

Batay sa pahayag ng Peruvian Ministry of Defense, ang piloto lamang ang nakaligtas sa insidente.

Advertisement

Agad namang naglunsad ng search and rescue operations ang mga awtoridad matapos ang pagbagsak ng helicopter.

Una nang iniulat na nawawala ang naturang helicopter noong Huwebes bago tuluyang natagpuan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng trahedya.

Advertisement