Nakapag-ambag ng panibagong medalya para sa Pilipinas si Pi Durden Forward Wangkay matapos makuha ang bronze medal sa men’s 200-meter final ng Youth Olympic Games na ginanap sa Dakar, Senegal.

Naitala ni Wangkay ang personal best na 21.36 segundo sa naturang karera upang masungkit ang ikatlong puwesto.

Nakuha naman ni Ropafadzo Mzondo ng Zimbabwe ang gintong medalya matapos magtala ng 21.04 segundo.

Samantala, pumangalawa si Deuquan Farrell ng Guyana na nagtala rin ng 21.36 segundo. Nakuha niya ang silver medal matapos manaig sa photo finish sa lamang na 0.004 segundo.

Advertisement

Ito na ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa kasalukuyang Youth Olympic Games, kasunod ng silver medal na naiuwi ni Naomi Marjorie Cesar sa women’s 800-meter final.

Advertisement