NAGA CITY – Malaki ang paniniwala ng Regional Director ng Philippine National Police (PNP-BICOL), na hindi na kinakailangan pa ng Warrant of Arrest para sa mga nakalayang preso dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay POLICE BRIGADIER GENERAL ARNEL ESCOBAL,Regional Director ng Philippine National Police(PNP-BICOL), sinabi nito na bilang isang abogado naniniwala siyang hindi na kinakailangan pa ang nasabing dokumento upang hulihin ang mga nakalayang convicts.
Ito ay dahil umano sa nakakulong na ang mga ito kung saan warrant less na kung maituturing.
Ayon pa rito, nakalaya lamang ang mga ito dahil sa GCTA, kung wala aniya nito nakakulong pa rin sana ang mga bilango.
Samantala nanawagan naman si Escobal sa mga nakalaya na sumuko na lamang ng matiwasay para walang maging problema.
Sa ngayon mayroon nang naitalang isang dating preso na sumuko sa Munisipyo ng Daraga Albay na inirirekomdang idiretso sa Bureau of Correction (BuCor) .