NAGA CITY- Kinumpirma ng Department of Education (DepEd)-Bicol na ang paghina ng signal ng internet at mga power interruption ang ilan sa mga naging problema sa ginawang dry-run para sa modular at online learning approach.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay DepEd Bicol Reg’l Dir. Dr. Gilbert Sadsad, sinabi nitong maganda ang kinalabasan ng ginawang druy run sa iba’t ibang division lalo na an radio-based, online at module.

Ngunit ayon kay Sadsad, nagkaroon lang ng problema sa mga oras na napuputol dahil sa paputol-putol na signal ng internet at mga power interruption.

Sa ngayon nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga electric companies at National Telecommunications Commission (NTC) para matugunan ang nasabing problema.Top