NAGA CITY-Isasailalim sa weekend Enhanced Community Quarantine ang lungsod ng Naga.
Sa isang press conference, sinabi ni Naga City Mayor Nelson Legacion na kahit nasa ilalim ng General Community Quarantine with heightened restrictions, naitatala pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Napansin kasi na tuwing weekend ang peak movement ng mga tao dahil karamihan dito ay day-off sa mga trabaho.
Kung kaya, sa bisa ng Executive Order No 2021-026, isasailalim sa weekend lockdown ang 25 barangay sa lungsod maliban sa Barangay Panicuason at Bagumbayan Norte.
Samantala, ipapatupad naman ang granular lockdown naman sa mga areas na may clustered community transmission na tinukoy ng Health Emergency Task Force.
Nakasaad sa Executive order na ang mga restrictions ay batay pa rin sa panuntunan ng IATF sa ilalim ng ECQ.
Ang unang weekend ECQ ay magsisimula alas-9 ng gabi ng Biyernes, Setyembre 24 hanggang Setyembre 27.
Babalik sa orihinal na community quarantine classification ang lungsod na inaprubahan ng national IATF.