NAGA CITY- Suspendido na ang Weekend Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Naga City kaugnay ng COVID-19 pandemic.
Sa opisyal na pahayag ng ni Naga City Mayor Nelson Legacion, nakapaloob dito na i-aadapt na ang quarantine classification na ipinatupad ng pamahalaan sa lungsod dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Dagdag pa dito, simula ngayong araw, Oktobre 8, isasailalim na ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o Alert Level 4 hanggang sa baguhin ito ng Malacañang.
Kaugnay ng bagong quarantine classification, ang mga 18-59-anyos lamang ang papayagang lumabas para magtrabaho o bumili ng mga pangangailangan.
Samantala, mananatili paring pinagbabawal ang paglabas ng mga batang nasa 17-anyos pababa maliban na lamang kung mag-aavail ng medikal service o may emerhensiya.
Dagdag pa dito, papayagan lamang lumabas ang mga senior citizens na bumili ng mga esensiyal na pangangailangan kung fully vaccinated na.
Sa kabila nito, ayon naman sa localized MECQ guidelines, papayagan naman ang mga religious services, dine in services at personal service na mag-operate ngunit limitado lamang sa 20% ng kanilang seating capacity at dapat fully-vaccinated individuals lamang ang makakapasok simula Lunes-Linggo.
Patuloy naman ang mga border control upang matiyak na mga esensyal at opisyal na serbisyo lamang ang tutuguhin.
Layunin ng nasabing hakbang na maibalanse ang pagpotekta sa kalusugan ng mga mamamayan at mapigilan ang negatibong epekto sa ekonomiya dala ng mga restrictions kaugnay ng nagpapatuloy na quarantine classification.