NAGA CITY- Magpapatuloy sa pag-aaral ang isang young farmer mula sa Daet, Camarines Norte sa kabila ng kanyang edad upang maging inspirasyon ito ng mga kabataan na mag-aral at magtrabaho sa larangan ng aquaculture.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Robert James Manansala, young farmer, RJM Ornamental Fish Culture Owner, sinabi nito na sa ganitong klase ng trabaho, kailangan umano ng mahabang proseso at pag-aaral.
Aniya, malayo na rin ang kanyang narating dahil sa kanyang negosyo, at nagbibigayan na rin ito nang pagkakataon upang makapag-aral ulit sa kolehiyo dahil layunin nitong makapagbahagi ng kaalaman sa mga kabataan pagdating sa ganitong larangan.
Si Manansala rin ay Provincial Winner ng Young Farmer Challenger para sa RJM Ornamental Fish Culture, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa larangan ng aquaculture.
Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Manansala ang regional competition na kanyang sinalihan at sakaling palarin ay magiging pambato ito ng kanilang bayan para sa National competition.
Samantala, natutu naman si Manansala sa pag-aalaga ng mga isda sa panonood ng mga videos sa mga social media platform at paghahanap ng impormasyon. Maliban pa dito ay disiplinado rin ito sa kanyang sarili upang maging matagumpay sa buhay.