NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P9,000.00 ang iniwan na pinsala ng sunog sa isang bahay sa Zone 2, Santiago Old, Nabua Camarines Sur.

Pag-aari naman ang nasabing bahay ng mag-asawang Celstino at Anastacia Bagasbas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO4 Arnel Doma, ang Officer in Charge ng Bureau of Fire Protection-Nabua, sinabi nito na nagsimula ang sunog dahil sa napabayaang sinaing.

Ayon kay Doma, mabilis na kumalat at natupok ang buong bahay ng mga biktima dahil gawa ito sa light materials, kung kaya wala umanong nailigtas na anupaman na kagamitan ang nasabing mag-asawa.

Kaugnay nito, nagtagal ng halos 30-minuto minuto bago tuluyang naideklarang fired-out ang nasabing sunog.

Dagdag pa dito, maswerte naman na walang naitalang nasugatan o casualty sa nasabing insidente.

Samantala, umaasa naman ngayon ang nasabing pamilya na matutulungan sila ng lokal na pamahalaan ng Nabua upang muling makapagsimula matapos ang nasabing insidente.