NAGA CITY – Patay ang isang Barangay Tanod matapos na mabangga ng isang motorsiklo sa Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Malver Sebello, 62-anyos, residente ng Barangay Amomokpok, sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Ryan Rimando, sinabi nito na habang pasuray-suray na tumatawid si Sebello sa kalsada ng aksidente itong mabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Marc Fernando Flotildes, 21-anyos.

Dahil dito, natumba ang driver ng motorsiklo habang nakatama naman ang ulo ng biktima sa semento na naging dahilan rin upang magtamo ang mga ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon pa kay Rimando, agad naman na dinala sa ospital si Sebello ngunit ideklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Flotildes na posibleng maharap sa kasong Reckless imprudence resulting to Homicide.