Binigyang-diin ni Acting Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na hindi palalagpasin ng pamahalaan ang pagkalat ng ‘fake news’ o mapanirang impormasyon laban sa pamilya ni Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Gomez, mahaharap sa kaso ang sinumang mapapatunayang nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon. “No one will be spared, basta mapatunayan namin fake news we will file charges against them,” aniya.

Kasunod ito ng hakbang ng PCO na ipaimbestigahan sa Department of Justice ang isang social media page na “Malasakit News Pilipinas” dahil sa umano’y pagpapakalat ng pekeng balita.

Kabilang sa mga tinukoy na maling impormasyon ang umano’y mga gawa-gawang ulat tungkol sa “Energy Lockdown,” “Fuel Shortage,” at “Emergency Lockdown,” na nagdulot umano ng pangamba sa publiko.

Advertisement

Naniniwala ang PCO na ang mga nasa likod ng naturang mga post ay may layuning manlinlang at maghasik ng panic, lalo na sa gitna ng kinakaharap na isyu sa suplay ng gasolina sa bansa.

Advertisement