NAGA CITY- Patay ang isa katao matapos makuryente sa Barangay Sta. Elena Buhi, Camarines Sur

Kinilala ang biktima na si Jayson Adresola 28-anyos, isang construction worker at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office CSPPO, sinasabing habang sa rooftop ang biktima ng gusaling kanyang pinagtatrabahunan ng aksidente nitong matamaan ang live wire ng Camarines Sur Electric Cooperative CASURECO III.

Kaugnay nito, agad namang binawian ng buhay ang biktima na idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.