NAGA CITY – Sugatan ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Purok Masagana Barangay Ibabang Iyam Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Erick Quinto, 28-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang suspek na si Jonisto Paseos, 44-anyos ng kinompronta nito ang biktima sa mismong bahay nito na nagresulta sa mainit na diskusyon ng dalawa.

Agad naman na umuwi ang suspek sa kanilang bahay at bumalik na may dala ng bolo.

Dito naman pinagtataga ng suspek ang biktima na nagresulta upang magtamo ito ng tama sa ulo.

Agad naman na dila sa ospital si Quinto at kasakulukay na nagpapagaling.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at kasong frustrated murder ang posibleng kaharapin nitong kaso matapos ang ginawa nitong krimen.