NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin sa Brgy. Lubi Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Manuel David, 66-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na isang nagngangalang Emily Campomanes ang nakakita sa bangkay ng biktima na nakahandusay na sa nabing lugar.

Agad naman umano itong dinala sa ospital para sa asistensya medikal ngunit ideklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa ulo nito mula sa hindi pa maalamang kalibre ng baril.

Una na dito, napag-alaman rin na mayroon umanong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at ng dalawa nitong kapatid dahil sa isyu sa lupa.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtukoy sa posibleng pagkakakilanlan ng nasabing mga suspek.