NAGA CITY – Nagpapatuloy ngayon ang search and rescue operation ng mga otoridad sa isang pangingisda habang nagpapagaling naman ang isa pa matapos lumubog ang isang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Calasumanga, Panukulan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na pumalaot ang mga biktimang sina Heron Quinto, 22-anyos at Olino Onofre gamit ang isang maliit na bangka.

Ngunit pagdating sa naturang lugar, biglang lumubog ang sinasakyang bangka ng dalawa.

Agad namang narescue si Onofre ngunit nanatiling missing si Quinto.

Kaugnay nito, agad namang nasagawa ng operasyon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang grupo para mahanap ang nasabing biktima.