NAGA CITY- Muling nakapagtala ng isang panibagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Naga.

Sa inilabas na impormasyon ng Department of Health Center for Health Development -Bicol, napag-alaman na ito ay isang 32-anyos na babae.

Ang naturang pasyente ang may local code na Bicol#67 kung saan nabatid na ito ay isang nurse at close contact ng PH Bicol#60.

Samantala, ito na ang ika-23 healthworker at ang ika-67 positive case ng COVID-19 sa buong rehiyon ng Bicol.

Advertisement
Advertisement