NAGA CITY- Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang backride nito matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Barangay Tagongtong, Goa Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Joseph Castillo, 28-anyos at ang nasugatan naman na si Mark Andrew Raut, 23-anyos,.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng kalsasda ng Barangay Tagongtong nang aksidenteng mawalan dito ng kontrol si Castillo dahilan upang matumba ang mga ito sa nasabing sasakyan at mahulog sa konkretong drainage.

Nagtamo naman ng mga sugat sa iba’t-iban bahag ng kanilang katawan sina Castillo at Rau na kaagad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal ngunit hindi na umabot ng buhay si Castillo.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.