NAGA CITY – Patay ang isang lalaki at sugatan naman ang isa pa sa nangyaring salpukan ng kotse at motorsiklo sa Barangay Binutas, Calauag Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Michael Selem at Jocelyn Guadalupe Aganan, 37 anyos, kapwa residente ng Barangay Hodagua, Lopez sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ni Salem ang Maharlika Highway gamit ang motosiklo habang angkas si Aganan ng mag overtake ang kotse na minamaneho naman ni Primo Caagbay Coo Jr, 58 anyos residente ng Bgy Ibabang Ilasan, Tayabas City.

Dahil dito, nagkasalpukan ang naturang mga behikulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan ang mga biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensyang medical.

Ngunit sa kasamaang palad ay idineklara ring dead on arrival ng mga doktor si Michael.

Sa ngayon patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad, hinggil sa nasabing insidente.