NAGA CITY- Patay ang isa katao habang dalawa ang sugatan matapos ang nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Balubal, Sariaya
Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing habang binabaybay ni Porferio Matamorosa
34-anyos sakay ang isa pang nagngangalang Michael Angelo 29-anyos ang kahabaan ng nasabing lugar ng bigla itong mawalan ng kontrol pagdating
sa palikong bahagi ng lugar.

Dahil dito, nahagip nito ang kasalubong na isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Froilan Baustista 29-anyos.

Kaugnay nito, agad na dinala sa ospital ang mga ito, subalit hindi na naisalba pa ang buhay ni Bautista na namatay habang ginagamot.

Una rito, nabatid na lasing si Matamorosa at ang sakay na si Angelo, na itinuturong dahilan para mawalan ng kontrol sa minamanehong
motorsiklo.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.