NAGA CITY – Patay ang isang motorista habang sugatan ang dalawa iba pa matapos araruhin ng isang wing van ang Maharlika Highway sa kasentrohan ng bayan ng Labo, CamNorte.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLTCOL. Augusto Manila, Chief-Of-Police ng Labo MPS, sinabi nito na habang binabaybay ng isang Alyas Arnel ang kahabaan ng Vinzon patungong Kalamunding sa downtown ng nasabing bayan ng aksidente nitong maararo ang center Island ng kalsada na nagresulta upang madamay ang isang Tricycle na nag-aantay ng pasahero at isang motorsiklo
Maliban dito, dumiretso ang nasabing wing van truck na naging dahilan upang mabangga ang tricycle at isa pang motorsiklo na paparating.
Dahil dito, isang indibidwal ang agad na namatay habang dalawa pa ang nasugatan.
Ayon sa opisyal, lumabas sa imbestigasyon na nakatulog si Alyas Arnel dahil nasa impluwensya ng alak.
Mahaharap naman sa kasong multiple injury at homicide ang driver ng wing van truck.
Samantala, muling pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na laging mag-ingat sa pagmamaneho ng kanilang mga sasakyan.