NAGA CITY- Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos ang banggaan sa pagitan ng isang SUV at motorsiklo sa Barangay Matacla, Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang namaatay na si Ronnie Moreno habang sugatan naman ang angkas nito na si Alvin Cebuano.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PStaff Sgt. Jordan Baduria, sinasabing sa bilis aniya ng takbo ng motorsiklo, nawalan ito ng kontrol na naging dahilan para bumangga ito nasabing SUV na minamaneho ni Ryan Vega.

Aniya, pinaniniwalaan ding nakainom si Moreno na sinasabing galing sa pistahan dahil sa mga dala nitong ulam.

Agad namang itinakbo ang mga lulan ng motorsiklo sa ospital subalit dineklarang dead on arrival si Moreno habang nasa kritikal naman na kondisyon si Cebuano.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Vega habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.