Nagpahayag ng pagsisisi si Imee Marcos sa pamilya Duterte, partikular kay Sara Duterte, sa kanyang mensahe nitong Holy Tuesday.

Ayon kay Marcos, nakararamdam siya ng matinding guilt sa kasalukuyang sitwasyon. Inamin niyang naiisip niya na mas makabubuti sana kung nanatili si Vice President Duterte sa Davao City bilang alkalde upang mapanatili ang katahimikan sa lugar.

Dagdag pa niya, mas nanaisin din umano niya kung naririto pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang gabayan ang mga pangyayari sa bansa.

Ang pahayag na ito ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko, lalo na sa gitna ng umiiral na tensyon sa pulitika.

Advertisement
Advertisement