NAGA CITY- Patay ang isang indibidwal matapos mabundol ang minamanehong tricycle ng isang behikulo sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jason Merandarte, 50-anyos, residente ng Purok Manga 1, Barangay Mayao Crossing, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang binabaybay ni Merandarte ang kalsada papunta sa Marichi Subdivision mula sa Lucena City, nang mabundol ito ng behikulo na minamaneho naman ng suspek na kinilalang si Aldwin Calatrava, 24-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa pangyayari, nagtamo ng malalang tama sa kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan nang agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.Top