NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lolo sa Barangay Taban-Fundado, Libmanan, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Stephen Sebuguero, 76-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Emy Rose Organis, tagapagsalita ng Libmanan Municipal Police Station, sinabi nito na agad naman na rumisponde ang mga tauhan ng kanilang himpilan maging ang MDDRMO sa bahay ng biktima matapos na makatanggap ang mga ito ng report hinggil sa nasabing insidente.
Ayon kay Organis, pagkabukas sa pinto, dito na tumabad ang nangingitim ng katawan ng biktima habang nakahiga sa sofa.
Tinataya umanong nasa dalawa hanggang tatlong araw ng patay si Sebuguero.
Samantala, ayon naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pinaniniwalaang inatake sa puso ang biktima at wala naman umanong nakitang indikasyon na nagkaroon ng foul play sa nasabing insidente.
Ayon naman sa anak ni Sebuguero, mayroon umanong diabetes at high blood pressure ang nasabing biktima.
Sa ngayon, nakahimlay na ang katawan nito sa nasabing bayan.